WELCOME SA AKING HOMEPAGE

Eusevio

Ang aking pangalan ay Eusevio.

Tulad ng iminumungkahi ng aking pangalan, ang aking lahi ay nagmula sa Italya at Spain. Isa sa mga aking kalakasan ay ang pagkakaroon ng mataas na antas ng pagiging sensitibo na nagpapahintulot sa akin upang makaramdam ng hindi pangkaraniwan sa pisikal, mental, at emosyonal ng ibang tao at maramdaman ang mga ito sa aking sariling katawan. Pinapahintulutan ako nitong maibsan o matunaw ang mga nakaharang sa enerhiya ng tao na siyang madalas binibigyan kahulugan ng katawan bilang sakit.

Nakakapagsalita ako ng maraming lengguwahe, kaya’t maaari tayong mag-usap sa lengguwaheng German, Italian, o Spanish.

Ang aking landas bilang isang manggagamot ng mga tao at mga hayop ay nagsimula noong 2003 pagkatapos kong nakumpleto ang aking diploma sa massage therapy sa Switzerland, na sinundan ng karagdagan pang pagsasanay sa dalubhasa. Pagkatapos ay pinag-aralan ko and soft spine therapy ayon kay Dieter Dorn, na tumulong din sa akin para mawalan ng sakit. Matapos dumalo at matagumpay na nakumpleto ang kursong pag-aaral na ito, patuloy kong pinalawak ang aking kaalaman sa larangang ito nang tuloy-tuloy at ngayon ay nakakatulong sa iba sa pamamagitan ng aking sariling banayad na pamamaraan ng pagsasagawa ng therapy.

Sa parehong taon, sinimulan ko ang aking taunang pagbisita sa Pilipinas, sa mga pinakakilalang mga manggagamot na nagsasagawa ng bukas na operasyon gamit ang kanilang kamay lamang. Na siyang nagpagaling sa aking bukol, whiplash o injury sa leeg at iba pang mga karamdaman.

Noong March 2010, ang aking kakayahan ay nagsimulang magpakita ng kusa; pagpapagaling ng sakit sa kamay at pamumula ng mga kamay.

Noong 2013 ang sumunod na hakbang. Sa isang panggagamot ng isang taong may malalim na kawalan ng ulirat (iba pang estado ng kamalayan) ay humantong sa Spiritual Surgical Treatments at ito’y nagpatuloy na mabuo sa bawat panggagamot hanggang ngayon. Madaling magpakita ang mga estado ng ulirat ngayon at makakausap ko ang mga kliyente habang sila ay wala sa isip.

Nagpapasalamat ako para sa pamamaraan na ito at masaya ako araw-araw sapagkat nakakatulong ako sa mga tao at hayop sa ganitong kakayahang ibinigay sa akin.

Kung interesado ka man para magpagamot, huwag mag-atubiling makipag-ugnay/ makipag-usap sa akin anumang oras.

Eusevio

Hi

Dahil sa mga panukala dito sa Pilipinas, nasa bahay ako kasama ang aking pamilya sa Caba sa Pilipinas hanggang sa mga susunod na abiso. Hindi ko pa alam kung kailan ako babalik sa Switzerland. Sa sandaling nakapag-book na ako ng aking pagbyahe pabalik ay iaanunsyo ko ito dito sa aking website pati na rin sa pamamagitan ng iba't ibang mga channel.

Iyong Esuevio